Tuesday, January 09, 2007

Gabi

Ang ganda ng gabi
Tahimik parang libingan
Alang ingay kahit konti
Naririnig ultimo kaluskos ng daga
At hilik ng kapitbahay

Payapang payapa
Parang alapaap
Na parang bulak
Bagsakan man ng babasagin
Sasaluhin
Alang ingay
Ni kalantog man lang

Paano ‘ko aantukin
Kung ito ang oras na payapa
Bakit ‘ko tutulugan
Ba’t sasayangin and pagkakataon
Na makarinig ng katahimikan?

No comments:

I got a bikelog?

A year ago, I asked my daughter for a loan so that I could buy a mountain bike. This was in the middle of May 2021 and the pandemic was stil...